
Ayon sa ating mga ninuno, nong unang panahon, wala pang pangalan ang lugar na ito.
Hanggang, isang araw, nagkaroon ng himala sa nayon. May nakita ang ating mga ninuno na
isang Birhen na naglalakad. At sa kanyang paglalakad, ito'y nalugyan ng buhok. Kaya mula
noon, ang lugar na ito ay tinawag nilang "Lugay". At sa pagdaan ng panahon, nagkaroon ng
mga namumuno ang ating barangay. Noong panahong iyon, nahalal na Punong Barangay si G.
Isidoro Gonda. At sa kanyang pamumuno kasama ang dating Mayor Amurao Sr., nilakad nila
upang maging isang barangya Sto. Niņo ang dating tinatawag na "Lugay", na noo'y Sitio pa
lamang ng Barangay San Juan.
Kung kaya't noong ika-21 ng Disyembre, 1963, biniyagan ang barangay na ito bilang
Barangay Sto. Niņo sa pangunguna ni Father Mendoza.
Mula noon hanggang sa ngayon ang barangay na ito ang nag-iisa pa ring Barangay Sto.
Niņo.