
Sa mga naunang nagdaang mga taon ang barangay mainit ay nasasakop at tinatawag na Barrio
Nag-iba sa pamumuno ni G. Vicente Magnaye.
Noong taong 1960, may malawak na minahan ng marble na matatagpuan sa Mainit West kung
saan ay siyang pinagkukunan ng pang-araw-araw na hanapbuhay ng maraming mamamayan di
lamang ng mga taga rito.
Taong 1970, nagkaroon ng pagsasarili ang Barangay Mainit at ito ay sumasakop sa apat na
sitio, Sitio Saimsim, Sitio Bagong Pook, Sitio Proper at Sitio West. Dito nagkaroon ng
pansamantalang kalsada na nadaraanan ng sasakyan patungo sa kabayanan na ginawa lamang
ng mga nagmimina upang mailusot ang kanilang trak ng mina. Nasarhan din ang naturang
kalsada sanhi ng kakulangan ng mga permit. Noon nanungkulan si G. Bonifacio Ilagan at
napalitan naman ni G. Laureano Panopio at pumalit naman si G. Melecio Ilagan at doon
muli ay nagkaroon ng umpisang proyekto ang barangay. Subalit sa pangatlong termino ng
Kapitang Melecio Ilagan ay binawian siya ng buhay, taong 1995, at dito nagsimulang
manungkulan si Kapitan Delfin I. Brucal bilang pangunang Konsehal.
Bilang Punong Barangay, si Kgg. Delfin I. Brucal ay nakapag lunsad ng maraming proyekto
sa barangay. Nagkaroon ng maayos na daanan (pathway) sa lahat ng sitio, naisagawa rin
ang pagbubukas ng national road sa taong 1996. Nakapagtayo ng Barangay Hall na siyang
ginagamit na Day Care Center. Nakagpatayo rin siya ng Basketball Court ng mga Kabataan,
masaganang patubig sa lahat ng bahay ng buong barangay na nagbuhat sa natural na bukal
ng tubig, madaliang proseso ng mga pangangailangan sa Lokal.
Taong 1998, muli ay nanungkulan bilang Punong Barangay si Kapitan Brucal. Lalong
pinagtibay ng pamunuan ng Mainit ang pagpapaunlad ng barangay. Sa pamamagitan ng
Nasyonal at Lokal na Pamahalaan gayundin ang NGO's, naisaayos ang national road at
nabuksan ang isang kweba sa tagiliran ng national road na maaaring pagkunan ng kabuhayan
ng mga taga-barangay. Dito rin matatagpuan ang hot spring sa baybaying dagat ng Mainit
na nakatatawag pansin sa mga dumadayong turista. Magagandang tanawi ant berdeng dahon
ang makikita kapag panahon ng tag-lamig at malinis na dagat. Sa kasalukuyan ang Barangay
Mainit ay may household na 170 at humigit kumulang sa 1,000 mamamayan. Maunlad na
masasabi ang Barangay Mainit sapagkat halos namumulat na sa katunayan ang mamamayan
dito, katulad ng mga batang mag-aaral, may mga hanap-buhay, serbisyo ng pamahalaan ay
abot kamay na.