Isa na sa pinakamauunlad na barangay sa bayan ng Mabini ang Barangay Mainaga. Ito ang pangalawang barangay na iyong sasapitin pagpasok mo sa Mabini.

Mainaga ang isa sa mga unang barangay ng bayan ng Mabini. ayon sa kuwento ng mga matatanda, ang lugar na ito ay tinawag na Mainaga noong ipatawag ang ilang matatanda ng nayon na sakop ng Bayan ng Bauan upang ang Alkalde Mayor ay pumili ng Kabesa de Barangay o Kapitan ng Nayon. Sapagkat maagang nagsidalo at nauna sila sa lahat dahil sa pagtalima sa utos ng alkalde, sila ay malugod na binati ng tagpagpaliwanag ng tanggapan ng alkalde ng "Maaga po kayo", aniya. Siya namang pagdating ng Alkalde Mayor sabay tanong ng "tag- saan sila?" sa wikang Kastila. Dahil taranta ang tagapagpaliwanag ay mabilis siyang sumagot ng "de maaga Seņor". Sa paniwala ng Alkalde na nagtanong, ito ang sagot niya, kaya't sinagot ito ng "de Maynaga". "Si Seņor" ang sagot naman ng tagapagpaliwanag. At mula noon ay tinawag ng Mainag ang lugal na ito. Si G. Alipio Cordero ng Aplaya, Bauan ang pinkahuling Kabesa de Barangay nito.

Malawak ang lupaing nasasakop ng barangay na ito. Noong bagong tatag ang bayan ng Mabini, ang mga nayon ng Sto. Niņo, San Juan, San Francisco at Gaak na ngayon ay sakop ng Calamias ay dating sakop ng Brgy. Mainaga. Simula noong taong 1946 ay isa - isa nang humiwalay ang mga sitio ng San Juan, 1963 ang San Francisco at 1971 ang Gaak na ngayon ay sakop ng Calamias.

Ang nayong ito ay pay\tuloy na umuunlad at dahil sa magandang lokasyon ay napagtayuan ng malalaking industriya tulad ng PNOC, Petron, Suntrak, CKU at iba pa.



Tourists Spots

  Municipality of Mabini, Batangas Philippines. 2005 All Rights Reserved.
  Best viewed in 800 x 600 Resolution with Macromedia Flash Player
  Website Powered by: NetQuest Systems Co.
  Comments & Suggestions about this site?