Ang Barangay Laurel ay issa sa mga Barangay na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Mabini, lalwigan ng Batangas. Ito ay mataas na lugar na tinatayang tatlong daang talampakan ang taas mula sa lebel ng dagat at may siyam (9) na kilometro ang layo mula sa Poblacion hanggang sa Pinakasentro ng Barangay.

Ang mga ninuno ng barangay na ito ang nagpamana ng iba't ibang gawain tulad ng pagsasaka, pag-aalaga ng hayop ng mga lalaki at paghabi naman ng mga babae ng sinamay na abaka. Nagpaman rin ang mga ninuno sa lugar na ito ng mga magagandang kaugalian at iba pang magagandang kultura tulad ng pagmano sa mga matatanda, paghaharana, pamamanhikan kung ibig mag-asawa ang isang binata, bayanihan at paggalang sa kapwa.

Ang barangay na itoay dating Sito ng Saguing mula 1935 - 1958. Dahilan na rin sa laki ng populasyon ang mga matatanda sa baryong ito ay nagkaisang hilingin sa dating Mayor Rafael P. Amurao na maging Barrio Duhatan. Pinili nila ang pangalang ito sapagkat noong una ang lugar na ito ay nangunguna sa may pinakamaraming puno ng duhat kaysa ibang mga halamang namumunga.

Noong 1935, karamihan sa mga naninirahan dito ay hindi nakapag-aral sapagkat wala silang paaralan liban sa pagtuturo ng mga magulang sa kanilang tahanan ng kabutihang asal. Sa tulong ng dating Tenyente Del Baryo na si G. Isidro reyes ay hiniling niya sa dating Mayor Indalecio Calangi na mabuksan ang Baitang isa upang matugunan ang kakulangan sa edakasyon ng mga taga - barangay.

Ang Barangay Laurel ay labing walong (18) taong pinamunuan ni G. Isidro Reyes. Malaki ang iniunlad ng Barangay sa ilalim ng kanyang panunungkulan. Hiniling niya sa dating Mayor Rafael P. Amurao na palitan ang pangalan ng Barangay Duhatan at gawing Barangay Laurel sa pagkilala at pagdakila sa naging pinuno ng bansa na si Kgg. Jose P. Laurel Sr., hanggang sa ito'y pagtibayin noong 1959.

Pagkatapos ng panunungkulan ni G. Reyes bilang Kapitan ng Barangay ay pumalit naman si G. Leon Magtibay. Ipinagpatuloy naman ni G. Leon Magtibay ang proyektong naiwan ni G. Isidro Reyes. Sa panunungkulan ni G. Leon Magtibay bilang Kapitan ng Barangay ay nagkaroon ng kaunlaran hanggang sa mapaluwang ang Barangay Road. Naisaayos din niya ang patubig sa barangay sa pamamagitan ng proyekto niyang "Spring Development". Pagkatapos ng panunungkulan ni Kapitan Leon Magtibay ay pumalit naman sa kanya si G. Melecio Reyes na dating Kagawad ng Barangay. Sa masigasig na pakikipag-ugnayan niya sa kinauukulan at sa tulong ng barangay ay maayos na naitayo ang eleketrisidad sa barangay na ito. Dahilan dito, malaki ang naiunlad ng barangay na ito. Nakapagpagawa rin siya ng konkretong kalsada sa mga daan ng barangay sa mahirap daanan ng sasakyan. Ilang lugar din sa barangay ang natulungan niya sa patubig. Nakapagpatayo rin siya ng mga "waiting shed" na nagsilbing pahingahan ng mga mag-aaral at ng mga taong naglalakbay. Nakahingi rin siya ng Two - Way Radio na ginamit upang mapabilis ang komunikasyon at isang typewriter upang magamit ng kalihim ng barangay.

Pagkatapos ng kanyang panunungkulan ay humalili naman sa kaniya si Flaviano de Guzman bilang Kapitan ng Barangay. Sa kaniyang panunungkulan ay ipinagpatuloy niya ang sinimulan ni G. Melecio Reyes. Ipinagpatuloy din niya ang pagpapa-ayos ng kalsada. At sa ngayon, ang mga sasakyan ay hindi na gaanong nahihirapan sa pag-akyat sa barangay na ito.



Tourists Spots

  Municipality of Mabini, Batangas Philippines. 2005 All Rights Reserved.
  Best viewed in 800 x 600 Resolution with Macromedia Flash Player
  Website Powered by: NetQuest Systems Co.
  Comments & Suggestions about this site?