
Sa gawing timog-silangan ng bayan ng Mabini ay makikita ang isang barangay na dati-rati'y isa
lamang sityo ng nayon ng Saguing. Ito ay ang Gasang na nakatayo sa baybaying dagat.
Mahabang panahon na walang paaralan dito. Ang mga batang mag-aaral ay pumapasok sa paaralan
ng mga karatig nayon tulad ng Talaga at Saguing na kanyang Inang-nayon. Dahil sa unti-unting
pagdami ng tao at nalalasap nila ang paghihirap ng maliliit na mga batang mag-aaral na umakyat
pa sa bundok o kaya ay tumatalima sa malalakas na baha sa mga sapa, ang mga ilang matatanda tulad
nina Ginoong Victorino Alolod, Antonio Bautista, at Emilio Bueno ay nagsikap upang magkaroon ng
sariling paaralan. At ito ay ipinagkakaloob ng pamahalaan noong taon 1941 na nagsimula sa unang
baitang lamang ng mababang paaralan. Habang lumalakad ang panahon, dumarami ang mga tao at noong
taong panuruan 1960-1961 ang paaralang ito ay naging isang kumpletong elementarya sa pamumuno
ni G. Modesto Castillo. Siya ay nanungkulan dito bilang punong-guro hanggang sa ika-3 ng
Setyembre, 1975 at hinalinhan naman ni Gng. Miguela B. Calangi hanggang sa kasalukuyan. Sa panuruang
taong kasalukuyan (1978-1979) dalawang daan at dalawangpu't-pito (227) ang mga batang nagsisipag-aral
dito sa ilalim ng pagkakandili ng walong guro (8) guro. Ang mga batang lalaki ay isang daan at
labing apat (114) at ang mga babae naman ay isang daan at labing tatlo (113).
Unti-unti ring umunlad ang kanyang pamayanan, una'y sa tulong ng likas na kayamanan ng barangay at
ikalawa ay sa sipag at tiyaga sa hanapbuhay ng mga naninirahan. Palibhasa'y ang lugal na ito ay
nasa baybaying dagat, ang mga lalaki ay nangingisda. Pagkatapos nilang mangisda, hindi nila
kinaliligtaang bunngkalin ang kani-kanilang mga lupain. Ang mga babae naman ay humahabi naman
ng sinamay. Ang bawat pamilya ay may alagang mga hayop tulad ng baka, kambing, baboy at manok.
Ngunit ang mga naninirahan dito ay hindi rin nasiyahan naito ay isang sityo lamang. Sa pangunguna
ni G. Juanito Panopio, Simeon Chavez, Emilio Bautista, Sabas Balita, Benancio Maņibo, Maximo Alolod,
Fortuanto Escalona at Calixto Basilan ang sityong ito ng Gasang ay naging isang nayon noong
Disyembre 13, 1967.
Patuloy ang pag-unlad ng lugal na ito lalung-lalo na ng iahyag ng Pangulong Marcos ang Batas Militar.
Ang mga tao'y may kusang loob na gumawa at makipagkaisa sa kilusan at gawaing panlipunan. Sila ay
nagtutulungan sa paglilinis at pag-aayos ng lansangan at lalung-lalo na sa pag-uunlad ng kabuhayan.
Natuklasan ng isang masipag na naninirahan dito, sa katauhan ni G. Silvestre Arago ang isang industriya
na ngayon ay siyang hanapbuhay ng maraming tao kahit na ang mga kababaihan at mga batang eskwela sa
buong barangay at sa mga karatig nayon. Nagdudulot ito ng llibu-libong salapi sa nga namumuhunanan
gayundin sa mga manggagawa. Ito ay ang pagyari ng mga silya at mesa na ginagamitan ng buto ng buli,
oway at taling plastik.
Sa kasalukuyan, marami ang mga kabataan na nag-aaral sa mga mataas na paaralan sa bayan at gayundin
sa mga pamantasan sa Lungsod ng Batangas at Maynila. Marami na din ang nakapagtapos ng karra tulad
ng mananaggol, enhinyero, narses, komadrona, guro at iba pa. Maipagmamalaki ng nayon ang dalawang
anak niya. Sila ay sina G. Antonio Panopio na nagkamit ng ikasiyam sa pinakamataas na umiksamen
sa "Bar" at si G. Rodrigo Maņibo na ngayon ay isa na sa mga mayhawak ng mataas na tungkulin sa
"Philippine National Bank" sa Maynila.
Kaya't masasabi nating ang barangay Gasang ay hindi huli sa kabihasnan.