
Ayon sa mga matatanda ang pangalang "Bulacan" ay ibininyag sa lugar na ito kung saan
noong unang panahon ay maraming sumibol na puno ng "bulak". Hindi lamang maipaliwanag
kung bakit sa panahong ito ay wala isa mang punong makikita rito.
Noong unang panahon, ang Bulacan ay isang Sitio ng Nayon ng P. Balibaguhan. Bagaman at
kakaunti pa lang ang tao sa Sitiong ito ay mayroon na ring namumuno rito. Sila ay sina
Temoteo Jusi, Eduardo Ilagan, Lucas Dalangin, Juan Dalangin, Laureano Gutierrez at
Felipe Reyes na pawang nangamayapa na.
Noong taong 1960, sa pagsusumikap ng noon ay Konsehal ng Bayan ng Mabini, Kgg. Mauricio
Arago na tubong Bulacan ang Sitio ay naginmg isang ganap na barrio. Ito ay sa ilalim ng
pangasiwaan ni Mayor Rafel Amurao at Sangguniang Bayan na inaprubahan ng noon ay Punong
Lalawigan Feliciano "Sanoy" Leviste. Kaya noong Enero 1961, ang sitio Bulacan ay
napawalay sa Inang Nayon na P. Balibaguhan at nagsarili bilang isang ganap na barrio.
Bilang isang nagsasarili at ganap na barrio ang noon ay Pamunuang Bayan ay nagnombra ang
bayan ng Pamunuang Nayon.
Si G. Feliciano A. Dalangin ang nanumbrahang Barrio Kapitan. Ang anim na kagawad ng
Barrio Council ay sina Cenon Dalangin, Emeterio Arago, Urbano Dalangin, Leon Jose, Pedro
Espirito at Petronilo del Mundo. Sa pamamagitan ng halalan sina G. Philip Reyes,
Feliciano M. Dalangin at Marcelino del Mundo ay naglingkod din bilang mga konsehal n.
sapul ng maging ganap na barrio sina Venecio Dalangin at Carmelito Jusi ay naglingkon
bilang Ingat-Yaman at Kalihim hanggang 1982.
Sa panahon ng pangasiwaan ni Barrio Kapitan Feliciano A. Dalangin at ng kanyang mga
kagawad sa tulong ng mga kinauukulan at kapahintulutan ng mga may-ari ng lupa ay
nabuksan ang daan at naging kalsada mula bayan hanggang tabing-dagat. Sa mga unang taon
ng panunungkulan, ang Pangulong Ferdinand Marcos, ang dalawang libong pisong (P20,
000.00) ipinamahagi sa barrio ay pinaghati-hati sa proyektong pangkaunlaran ng nayon.
Ang isang bahagdan ay ginamit sa pagtatapos ng nabuksang kalye, ang iba ay ipinamahagi
sa mga tao upang maipagpagawa ng sariling palikuran at ang iba ay ginamit sa pagbili ng
mga softball gloves. Sapagkat noong panahong iyon ay kilalang kilala ang Bulacan
Softball Team sa kahusayang maglaro, hindi lamang sa buong lalawigan kundi pati sa mga
karatig man. Sa panahon ding ito nalagyan ng bato ang malaking bahagi ng kalsada.
Taong 1972, nagkaroon ng lokal na halalan. Sa mahusay na samahan at pakakaugnay-ugnay ng
mga anak Bulacan, walang naging labanan sa pagkapangulo. Si G. Urbano Dalangin ay naging
Pangulo ng nayon ng Bulacan. Ang kanyang mga kagawad ay nangagsipanalo sa halalan ay
sina Petronilo Del Mundo, Emetrio Arago, Juan Jusi, Apoonio Jusi, Cenon Dalangin at
Antonio Arago. Ang mga babanggit ang mga opisyales ng Barangay Bulacan hanggang 1982.
Sa panahong ito ideneklara at isinailalim ang ating bansa sa Batas Militar. Ang "Martial
Law" sa lalong kilalang taguri. At isinilang din sa panahong ito ang Bagong Lipunan.
Ang Barangay Bulacan bilang isang mahalagang bahagi ng bansa ay nagtamasa ng mga
biiyayang dulot ng Bagong Lipunan.Sa ilalim ng programa ng Pambansang Pamunuan tungkol
sa kaunlaran ng mga kanayunan at bukirin ay nakamtam na ating Barangay ang biyayang ito.
Ang proyekto ay ang mga sumusunod: sementado at aspaltadong daan sa ilalim ng Ministry
of Public Highways (MPH); tubig na demakina sa ilalim ng National Economic and
Development Authority (NEDA) at MPH; barangay hall sa ilalim ng Ministry of Local
Goverments and Community Development's BIDA Program na ginagamit nna Day Care Center
sapangangasiwa ni Bb. Lerma Arago at ang Barangay Road Fund na taon-taon ay ginaaagamit
sa pag-aayos at pagmamantini ng Barangay Road.
Ang huli ngunit napakahalagang proyekto sa Panahon ng bagong Lipunan na natamo ng
Barangay ay ang pagkakaroon ng ilaw-kuryente. Ito ay sa ilalim ng Programa ng noon ay
Unang Ginang Imelda R. Marcos tungkol sa pagpapailaw ng mga kanatunan at mga liblib na
pook. Sa pangangasiwa nmg Batangas Electric Cooperative II (BATELEC II) ang Bulacan ay
nailawan noong ika-27 ng Hunyo, 1981.
Lahat ng nabanggit ay nakamit ng Bulacan sa panahon ng Bagong Lipunan sa pangangasiwa ng
noon ay Punong Barangay, Urbano M. Dalangin at kanyang mga Kagawad.
Taong 1984, ginawa ang Comprehensive development Plan and Zoning Ordinance ng Bayan ng
Mabini sa tulong ng Human Settlements Regulatory Commission ng Ministry of Human
Settlements na ngayon ay Housing and Land Use Regulatory Board. Sa ilalim ng nasabing
plano ng Barangay Bulacan ay napasama sa Industrial Areas dahil na rin sa lokasyon nito
na nasa tabing dagat ng Batangas Bay at karugtong na ng mga industrial areas ng
lalawigan. Sa kadahilanang ito naging madali ang pagtatayo ng isang pabrika sa barangay.
Taong 1989 itinayo ang Purefoods Flour Mills at nagsimula ng operasyon noong 1992. Ang
pagkakaroon ng pabrikang ito ang nakatulong ng malaki sa barangay hanggang sa mga
panahong ito.
Ang lahat ng ito ay patuloy na pinangangalagaan ng mga sumusunod pang pamunuan ng
Barangay. Si Kapitan Sano ay muling nanungkulan bilang Barangay Captain noong 1989
hanggang 1994. Ang kasalukuyang Pangulo si Pangulong Randy ang sumunod na nanguna sa
pamumuno sa barangay, taong 1994.
Sa mga proyektonmg inilalagay sa barangay, ang mga mamamayan ay sabay na umuunlad sa
kaisipan at kalagayan sa buhay. Ang mga magulang at bata ay nagtiyaga at nagsikap na
makapagtapos ng pag-aaral. Ang edukasyon ng mga tao lalo na ng mga kabataan ay
pinagtulung-tulungang makamit ng lahat. Ang likas na talino ng mga taga-Bulacan ay
napatunayan sa pagkakaroon ng maraming honor students sa mga nagtatapos ng elementarya
at sekondarya nonng panahon ng dekada 70, 80 at 90. Ang mga mag-aaral na kto ay naging
mga matagumpay na propesyonal sa mga larangang kanilang pinili.
Ang pangingibang-bayan o bansaay ginawa rin ng mga taga-Bulacan sa pagnanasang umasenso,
umunlad ang buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak. Marami rin ang mga
taga barangay na nagtatrabaho sa labas ng Bulacan. Merong nagtatrabaho sa mga karatig
bayan sa Batangas, sa mga karatig-lalawigan sa Region IV at sa Maynila at iba pang
bahagi ng Pilipinas. Marami rin ang nasa ibang bansa tulad ng Roma, Singapore, Taiwan,
Canada, at Australia. Meron ding mga seaman na nagyayaot-dito sa mga karagatan ng mundo.
Ang mga tubong Bulacan naman na nanatili sa barangay ay naging matagumpay din sa
kanilang pagsisikap at kabuhayan. Nariyan ang mga mangingisda, mananahi, magtitinda ng
damit, plastik, magbibigas, market vendors, nagtuturo, nagba-buy and sell, driver,
nagkakarga ng harina at iba pang trabaho at pinagkikitaan ng mga tao.
Sa tulong ng Panginoong Diyos, ng mga nakatataas na bahagdan ng pamahalaan mula sa
nasyonal, probinsyal at munisipal, sa pamamahala ng pamunuan ng barangay at sa pagtulong
ng mga taga-barangay na naririto at nasa ibang bansa man, ang kaunlaran at kaayusan sa
Bulacan ay nakamit sa nakaraang panahon. Ito ay isang katotohanan pa rin sa kasalukuyan.
At ibayo pang kaunlaran, kaayusan at katahimikanang inaasam sa kinabukasan.